Lagi kayong may pangaral sa amin, nung kami'y tinuturuan nyo pa, "Mas mahalaga ang pagsunod kaysa handog." Pinagtyagaan nyo ring ayusin ang pagtipa ko sa instrumentong panugtog. Masaya po ako sa tuwing magugustuhan ninyo ang dala kong meryenda pagkatapos ng ating klase, dahil ayaw nyo ng "junk foods".
Tuwing matatapos ang pagsasanay, lagi nyong banggit, "...sa muling pagkikita, kung may buhay at lakas pa." At ngayon, kayo'y nagpaalam na -- "Hanggang sa muli po nating pagkikita, sa Bayang Banal, may buhay na wala nang hanggan."



No comments:
Post a Comment