Friday, April 24, 2015

Kumakaway Ka Pa Irog

While watching YouTube video of Fame Flores via RHTV, this song really wows me. It makes me feel emotional. 

KUMAKAWAY KA PA IROG
(by Celeste)

Kumakaway ka pa irog nang ako'y iwan
Upang tumungo sa ibang bayan
Isang panyong puting puti ang aking tangan
Basang basa ng luha kong di mapigilan. 

Ang wika mo'y ilang buwan ka lang marahil
At babalik ka sa aking piling
Ang mga puso nati'y pagtataliin
Upang magsama hanggang sa libing. 

Tatlong buwan pa lamang ang matuling lumipas
Ang katumbas sa aki'y tatlong taong ganap!
At aking nabibilang pati nang oras
Pagka't ang aking puso'y sawa na hirap. 

Kalungkutan ko'y labis at di na matahimik
Gulung-gulo palagi yaring aking isip. 
Kausap ko ay luha at pawang hapis
At ulilang ulila sa pag-ibig. 

Nguni't isang araw ako'y biglang pinukaw
Ng isang tawag ng kaibigan
Nariyan na raw ang irog kong mahal sa buhay
At ako'y hinahanap ng kaniyang magulang. 

Nguni't nang ako'y kaniyang makita
Hayun pala ay luksa na
Kaya pala gayun ang irog ko'y wala na
At ako'y iniwang may dusa. 



Watch her sing: